Nagpanukala si Appropriations Committee Chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na magtayo ng malalaking water impounding facilities sa Bicol Region para labanan ang pagbaha at solusyunan ang kakulangan sa tubig tuwing tag-init.
Ayon kay Co, ang mga pasilidad na ito’y makakatulong sa patubig sa mga sakahan at makakatugon sa pangangailangan sa tubig ng mga residente. Inihalintulad niya ito sa six-storey water impounding structure sa Bonifacio Global City na sumasalo ng tubig-ulan.
Layunin nitong gawing mas madalas na pagtatanim ng palay, na may target na umabot ng hanggang tatlong ani sa isang taon, tulad ng Japan.
Binanggit din ni Co ang pag-uusap sa DPWH para sa planong tunnel system sa kabundukan ng Bicol, na magsisilbing “flush system” para i-divert ang sobrang tubig baha papunta sa dagat.
Sinagot din ni Co ang alegasyon hinggil sa malaking pondo na inilaan sa Bicol batay sa pahayag ni Senator Joel Villanueva.
Ayon sa mambabatas ang P61 billion pondo ng Bicol ay hindi lamang inilaan para sa flood control projects ito ay isang comprehensive budget kabilang ang pagkukumpuni ng mga daan, hospitals, government buildings, at mga paaralan para sa 17 distrito ng Bicol, anim na probinsiya pitong siyudad.