-- Advertisements --

Isinusulong ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na mabigyan ng P5,000 supplies allowance at training ang mga Day Care workers bawat school year at patuloy na mabigyan ng skills training.

Inihain ni Yamsuan ang panukalang batas ang House Bill No. 10224 na kumikilala sa indispensable role ng mga day care workers sa paghubog sa mga batang Pilipino lalo na sa kanilang early learnng experiences at mga aktibidad na layong ipromote ang kanilang social and emotional development.

Ayon kay Yamsuan ang mga day care workers ay nagsisilbi ding ikalawang magulang at educators ng mga bata sa kanilang formative years dahil kanilang hinihikayat ang mga bata na maging creative  at kung paano makipag salamuha sa kapwa bata.

Sa kabila ng malaking responsibilidad, maliit lamang ang kinikita ng mga ito at kailangan nila ng suporta para sa kanilang expenses.

Sinabi ng Kongresista, nasa P500 kada buwan ang natatanggap ng Barangay day care workers mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), habang P1,000 monthly honoraria mula sa local government units (LGUs).

Sinabi ng mambabatas na hindi sapat ang natatanggap na allowance o honoraria ng mga day care workers.

Sinabi ni Yamsuan na umaaray na rin ang mga ito dahil malaki ang kanilang nagagastos mula sa kanilang sariling bulsa ang pambiling  learning materials at teaching supplies .

Dahil dito, hiling ni Yamsuan sa gobyerno na bigyan ng P5,000 teaching supplies per school year ang mga day care workers.

Sa ilalim ng HB 10224 o ang panukalang Care for Child Development and Day Care Workers Act  ay nagbibigay ng sistema para sa patuloy na skills training and knowledge enhancement programs para sa mga day care workers upang matiyak na makakatanggap ng quality care and education.