Itinutulak ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan na ipasa ang panukalang batas na naglalayong gawing mandato sa mga business establishments ang pag install ng closed-circuit television (CCTV) systems sa loob at labas ng kanilang business establishments.
Bilang dating opisyal ng DILG, kinikilala ni Yamsuan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng CCTV cameras at iba pang mga modernong teknolohiya para maging ligtas ang publiko at makakatulong din ito sa pagresolba ng PNP sa mga krimen.
Isinusulong ni Yamsuan ang House Bill (HB) 8068 na layong i-require ang mga business establishments na mayruong 20 o higit na manggagawa at mayruong P50,000.00 a day transactions na mag install ng mga CCTV cameras.
Sinabi ng Kongresits na nuong 2022, naglabas ng memorandum circular ang DILG kung saan hinihikayat nito ang mga siyudad at munisipalidad na pagtibayin ang ordinansa na naguudyok na mag install ng CCTV systems sa mga business establishments, banks , office buildings, gasoline stations, pawnshops, supermarkets at medical facilities.
Punto ni Yamsuan na ang nasabing devices ay makakatulong kung mayruong pang-aabuso mula sa mga law enforcers, iregularidad sa mga ikinakasang buy-bust operations.
Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, obligado at mandatory na ang installation ng mga surveillance/CCTV cameras at isa na rin sa mga requirements bago bigyan ng business permits ang mga business establishments.
Mahigpit ring ipinagbabawal ang pag install ng mga CCTV cameras sa mga restroom or toilet, bathroom, changing room,at iba pang mga lugar.
Dapat paalalahanin din ng mga business establishments ang publiko na mayruong naka install na CCTV sa kanilang premises.
Kapag lumabag sa batas ang mga business establishments may kaukulang parusa ang kaakibat dito.