-- Advertisements --

Hinimok ni Representative Brian Raymund Yamsuan ang mga kapwa mambabatas bilisan na ang pagpasa ng panukalang batas na naglalayong i-mandato sa mga may ari at operator ng mga “environmentally critical” projects upang ma secure ang angkop na insurance coverage na magbibigay garantiya ng sapat na kabayaran sa posibleng masamang epekto ng kanilang operasyon sa mga apektadong komunidad.

Ayon kay Yamsuan, sa ilalim ng House Bill (HB) 1937, mandatory ang environmental insurance coverage (MEIC) na dapat makuha ng mga institusyon at korporasyon bago sila pahintulutan na simulan ang konstruksiyon o ang kanilang komersyal na operasyon ng kanilang mga proyekto.

Ayon kay Yamsuan, sa ilalim ng panukalang ito, bukod sa iba pa, ang mga proyektong kritikal sa kapaligiran ay mga aktibidad tulad ng quarrying, logging, reclamation, mining, major infrastructure projects, at mga itinayo sa mga lugar na madalas bisitahin o mahirap tamaan ng mga kalamidad tulad ng baha, bagyo at aktibidad ng bulkan.

Naniniwala si Yamsuan na panahon na para gumawa ng mga hakbang upng matiyak ang sapat na kompensasyon sa mga losses dulot ng pagminina, quarrying at iba pa.

Dagdag pa ng Kongresista na ang ating bana ay maituturing most disaster-prone sa Southeast Asia.

“Our ultimate goal is accountability for institutions and corporations that embark on environmentally critical projects. We want to make sure that they operate as responsible owners to help prevent man-made disasters. If environmental damages do occur, then the MEIC will ensure that communities are properly compensated and rehabilitation programs are immediately implemented,” pahayag ni Yamsuan.

Ayon kay Yamsuan, ang panukalang batas ay complements sa isang kamakailan lamang na inaprubahan na panukala ng House of Representatives ang HB 11093 na naglalayong i-institutionalize ang environmental assessments sa lahat ng mga patakaran, plano, programa at proyekto. Ang HB 11093 ay nagtatatag ng Philippine Environmental Assessment System (EAS),kung saan kakailanganin ang mga kritikal na proyekto tulad ng mabibigat na aktibidad sa industriya, pangunahing imprastraktura at pagkuha ng mapagkukunan upang makakuha ng Certificate of Proponent’s Environmental Commitment (CPEC) mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Dagdag pa ni Yamsuan, upang palakasin ang iminungkahing Envronment Assessment System, ang HB 1937 ay nagtatakda ng MEIC sa anyo ng isang environmental guarantee cash fund o isang environmental insurance policy (EIP) mula sa bonding o insurance companies, sa mga kaso kapag ang una ay hindi sapat upang masakop ang mga gastos sa adverse consequences.

Kabilang sa mga benepisyaryo ng MEIC na binanggit sa ilalim ng panukalang batas ay ang mga apektadong komunidad, stakeholders, at ang mga local government units sa loob ng primary impact areas ng mga environmentally critical projects.

Sa nasabing panukala, inaatasan ang mga government agencies sa ilalim ng batas na magsagawa ng rehabilitasyon, paglilinis at monitoring sa mga apektadong lugar.

Ang mga may ari at operator na mapatunayang lumabag sa batas ay mahaharap sa kaparusahan na may multa mula P500,000 hanggang P2 milyon o pagkakakulong ng anim hanggang 12 taon, o pareho, depende sa paghuhusga ng korte.

Ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno na aaprubahan ang pagtatayo ng naturang proyekto nang walang kinakailangang MEIC ay mahaharap din sa parusa na suspendido mula 30 araw hanggang anim na buwan.