-- Advertisements --

Isinusulong ni Representative Brian Raymund Yamsuan na dagdagan ang benepisyo ng mga daycare workers kasunod ng anunsiyo na maglalabas ang gobyerno ng P1 billion pondo para sa pagtatatag ng mga dagdag na child development centers (CDCs) partikular sa mga low-income communities sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Naniniwala kasi si Yamsuan na ang pagtatatag ng mga bagong CDCs ay dapat ma complement din sa pamamagitan ng pagbibigay ng dagdag na benepisyo sa mga daycare workers.

Isa kasi itong paraan para mapalakas pa ang kanilang kapabilidad at mapabuti pa ang pagbibigay nila ng early childhood care and education.

Giiit ng Kongresista na kabilang sa investment na maaring ibigay sa bawat daycare worker ay mga teaching supplies allowance na nagkakahalaga ng hindi bababa sa P5,000 bawat school year, at libreng patuloy na edukasyon upang mapahusay ang kanilang mga kasanayan.

Pinuri din ng mambabatas si Pangulong Ferdinand Marcos Jr at DBM Secretary Secretary Amenah Pangandaman sa pag apruba sa P1 billion budget para sa pagtatayo ng 328 CDCs sa mga low-income barangays sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Batay sa pakikipag usap ni Yamsuan sa mga daycare workers sa kaniyang home city ang Parañaque na ang reklamo ng mga ito ay ang kanilang personal na gastos para sa mga learning materials at teaching supplies.

Aniya, sa kasalukuyang sitwasyon hindi na sapat ang natatanggap na honorarium ng mga daycare workers.