Mariing pinasinungalingan ng ilang mambabatas ang alegasyon ni Vice President Sara Duterte na babanatan siya sa pamamagitan ng findings ng Commission on Audit (COA) sa budget deliberation kahapon kaya nagdesisyon ito na hindi na dumalo sa budget briefing ng Office of the Vice President (OVP) kahapon.
Inihayag pa ng Pangalawang Pangulo na 90 percent umano sa mga tanong ng mga Kongresista ay sa confidential funds gayong wala na sa 2024 at 2025 budget ng OVP ang confidential funds.
Ayon pa kay VP Sara batay sa naging obserbasyon ng COA, sasabihin ng mga Kongresista na kasalanan niya ito.
Reaksiyon ni Tingog Partylist Rep. Jude Acidre na kasalanan talaga ito no VP Sara dahil siya ang pinuno ng ahensiya.
Sinabi ni Acidre responsibilibidad ni VP Sara ang magpaliwanag hinggil naging findings ng COA.
Giit ng Kongresista sino naman ang kanilang tatanungin hinggil sa nasabing isyu kundi ang pangalawang pangulo.
Sinabi ni Acidre responsibilidad ng mga mambabatas, na busisiin ang budget ng bawat ahensiya ng gobyerno dahil karapatan din ng taumbayan na alamin kung saan napupunta ang pera.
Sinabi ni Acidre hindi ang Kamara ang nagsabi na may mali sa utilization ng pondo kundi mismo ang state auditor ang COA.