Nanawagan si Representative Brian Raymund Yamsuan sa gobyerno na simulan ang pamumuhunan sa mga programang pangmatagalang pangangalaga o care programs at mga estratehiya sa pagpapadali ng trabaho para sa mga senior citizen.
Layon nito na paghandaan ang inaasahang paglaki aging population ng bansa limang taon mula ngayon o sa taong 2030.
Ayon kay Yamsuan, ang kasalukuyang hanay ng mga benepisyo na tinatamasa ng mga nakatatanda, tulad ng mga diskwento, cash benefits at social pensions, ay dapat na kumpleto ng mga pangmatagalang programa na magtataguyod ng aktibo at malusog na pagtanda pati na rin magbigay ng mga mekanismo ng suporta para sa mga mahihina at umaasa na matatandang mamamayan.
Giit ng Kongresista, lubos na pinapahalagahan at pinag-uukulan ng pagmamahal ang mga senior citizens kaya ngayon pa lang ay dapat naghahanda na ang gobyerno sa pagdami ng mga elderly nating mga kababayan.
Ipinunto ng Kongresista na kailangan may matatag ng support system para manatili silang mga aktibo, produktibo at malusog na miyembro ng ating lipunan.
Sinabi ng mambabatas na sa kaniyang home city sa Parañaque City, partikular sa District 2 sinimulan na niya ang ilang mga proyekto na magbe benepisyo ang mga senior citizen.
Naghain din si Yamsuan ng panukalang batas ang House Bill (HB) 7980, na layong i-institute ang long-term care programs para sa mga elderly partikular ang mga indigent seniors.