Hiniling ni House appropriations committee chairman Rep. Zaldy Co sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na sila na ang magbabayad sa professional fees ng mga doktor na tumitingin at gumagamot sa mga indigent patients.
Ginawa ni Co ang panukala sa budget briefing ng PCSO.
Ibinahagi ng mambabatas ang ilang hamon sa implementasyon ng Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients Program (MAIPP) na ina-administered ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Co, may mga pondong inilalagay sa mga hospital subalit ang problema ang mga doktor ayaw ila ipa-cover sa MAIPP ang kanilang fees dahil gusto nila cash dahil ayaw nila maghintay ng 30 araw.
Binigyang-diin ng Appropriations panel Chairman na kailangan ng agarang aksiyon dahil ang layon ng MAIPP program ibigay agad ang agarang medical care sa mga mahihirap na pasyente.
Aniya, dapat magtulong-tulong para mabigyan ng kaukulang tulong ang mga kababayan natin na nangangailangan ng tulong.
Ipinanukala din ng Bicolano lawmaker ang paggamit ng corporate credit card upang mapabilis ang proseso ng pagbayad sa mga doktor.
Naniniwala ang mambabatas na ang nasabing hakbang ay lalong magpapatatag sa collaboration at pagtitiwala sa pagitan ng mga medical professionals at ng gobyerno upang matiyak na nabibigyan ng kaukulang medical treatment ang mga pasyente.
PAbor naman ang mga opisyal ng PCSO sa mungkahi niRep. Co.
Sa kabilang dako, nais ni Co na magkaroon ng batas na mag require sa mga doktor na tumanggap ng bayad sa pamamagitan ng MAIPP program.