Isinusulong ng isang mambabatas na mabigyan ng christmas bonus at libreng legal na tulong para sa mga barangay tanods na layong kilalanin ang kanilang ibinibigay na napakahalagang serbisyo para ma mantini ang peace and order sa mga komunidad.
Inihain ni Bicol Saro Partylist Representative Brian Raymund Yamsuan ang House Bill 10909 na magbibigay ng benepisyo kasama ang libreng legal assistance at insurance coverage.
Sa nasabing panukala, bibigyan din ng prayoridad ang mga barangay tanods sa livelihood programs ng national government o sa local government units.
Sinabi ni Yamsuan na mahalaga ang papel ng mga tanod sa komunidad nagpapanatili ng kapayapaan sa bawat barangay.
Dahil sa kanilang trabaho exposed ang mga ito sa mga kriminal at nalalagay sa panganib ang kanilang buhay.
Ipinunto ng Kongresista na layon nilang itaas ang benepisyo ng mga tanod na mat sapat na proteksiyon laban sa mga potensiyal na banta na kanilang kahaharapin.
Sa sandaling maging ganap na batas ang House Bill 10909 ang bawat qualified na tanod ay makakatanggap ng Christmas bonus.
Sa ilalim ng nasabing batas, tinitiyak ang tenure ng mga barangay tanod sa sandaling sila ay itinalaga.
Ang Sangguniang barangay ang mag desisyon kung tatanggalin ang isang tanod na may sapat na basehan.
” Members of the barangay tanod brigades serve as public safety officers in our communities. We hardly notice them as they carry out their task of keeping our homes and streets safe, especially at night when most of the community is resting,” pahayag ni Rep. Yamsuan.