Kinastigo ni House Committee on Labor and Employment Chairman at 1-Pacman Party-list Rep. Enrico Pineda ang Department of Labor and Employment- National Wages and Productivity Commission (DOLE-NWPC) sa pagiging reactive nito sa pagtugon sa hiling na pagtataas sa minimum wage sa gitna ng walang katapusang mataas na presyo ng langis.
Ginawa ni Pineda ang naturang pahayag sa pagdinig ng Labor and Employment panel para sa pagsasabatas ng minimum wage ng mga empleyado sa private sector.
Sa inquiry ni Baguio Rep MArk Go, sinabi ni NWPC Executive Director Criselda Sy na nakatanggap ng anim na petisyon para sa pagtataas ng minimum wage mula sa NCR, Region 3, Region 4A, Region 6, Region 7 at sa Region 8.
Ayon kay Sy, agad na nagpulong ang Regional Tripartite Wages and Productivity Boards matapos na matanggap ang mga petsiyon.
Iginiit naman ng Panel chairmn na hindi na dapat umabot pa sa puntong sila ang nagpapatawag at dapat ang ahensiya na ang gumagawa ng aksyon.
Babala ni Pineda na maaaring buwagin na lamang ang NWPC kapag hindi nito nagagawa ang kanilang trabaho at bumuo ng isang entity para humawak sa naturang usapin.
Napagkasunduan naman ang isang motion na nahhihikayat sa NPWC at regional boards na mapresenta ng rekomendasyon para sa proposed salary increse sa kada rehiyon sa loob ng 30 araw epektibo nitong Marso 17.
Sa ngayon, nananatili sa P537 kada araw ang minimum wage sa NCR at pumapalo naman mula P310 hanggang P420 sa mga probinsiya.