-- Advertisements --

Nanawagan si House Committee on Overseas Workers Affairs Chairman Representative Jude Acidre sa mga botante ng Pasig na huwag iboto ang kandidato pagka-kongresista na si Christian “Ian” Sia na nagsabi sa isang campaign rally na pwedeng sumiping sa kanya isang beses kada taon kung may regla pa ang mga ito.

Ayon kay Acidre,kailangan maging mapanuri ang mga botante sa kanilang mga pipiliin at huwag iboboto ang mga indibidwal na walang paggalang.

Naniniwala si Acidre na dapat managot ang nasabing kandidato sa kaniyang ginawang pambabastos.

“Clearly the language alone, the fact na sinabi niya for me is already offensive sa ating mga kababaihan,” wika ng Kongresista.

Hindi rin aniya dapat binalawela ang naturang isyu lalo na ngayong panahon ng eleksyon.

Giit pa niya na hindi dapat hayaan na maging normal ang ganitong pananalita at pag-uugali.

Sabi pa niya hindi katanggap-tanggap ang ganitong ugali anomang oras o panahon.

Naglabas ng show cause order ang Commission on Elections bilang bahagi ng patas na pangangampanya at maiwasan ang diskriminasyon ngayong eleksyon.

Binigyan ng poll body ng pitomput dalawang oras si Sia para tumugon at maaari mauwi sa paghahain ng kaso ang pagkabigo na sumagot.

“Hindi po pwedeng to take lightly no, ang mga issues ng katulad ng rape katulad ng sexual innuendoes,” pahayag pa ni Acidre.