-- Advertisements --

Kumpiyansa ang isang mambabatas na maisasabatas na ngayong 19th Congress ang panukalang E-Governance Act lalo at nasa final stages na ito ng congressional process.

Ayon kay Rep. Brian Raymund Yamsuan, ang panukalang batas ay naglalayong ilipat ang mga serbisyo ng pamahalaan sa digitalization upang gawing mas maginhawa, naa access at transparent ang kanilang paghahatid ng serbisyo publiko.

Paliwanag ni Yamsuan na ang pinakalayunin sa pagpasa ng E Governance Act na gawing mas mahusay ang serbisyo publiko para sa mga Pilipino.

Kapwa inaprubahan na ng Kamara at Senado ang kani kanilang bersyon ng panukalang e governance sa ikatlo at huling pagbasa.

Sa isinagawang conference committee na hiniling ng Kamara noong Enero 28 at sumang-ayon ang Senado nuong Pebrero 3 ay para magkakasundo ang dalawang kapulungan upang ayusin ang magkasalungat na probisyon ng dalawang bersyon kapag muling nag sesyon ang Kongreso sa Hunyo.

Ang E Governance Act ay kabilang sa mga priority bills ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Binigyang-diin ni Yamsuan sa paggamit ng technology maiiwasan na ang mahahabang linya at matagal na hinatayan para maka access sa serbisyo ng gobyerno.

Sa ngayon karamihan na sa mga national government offices at local government units ang gumagamit na rin ng mga digital tools para i-streamline ang mga proseso sa gobyerno.

Sabi ng Kongresista mahalaga na connected ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno ng sa gayon makapag share ng data ang mga ito.

Naniniwala ang mambabatas na nakatulong ang online process para maihatid ang government assistance ng walang palakasan sa paghahatid ng serbisyo publiko.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ang siya mangunguna sa pag -institutionalize sa national framework para sa isang unified digital government system.