-- Advertisements --

Naniniwala si Representative Brian Raymund Yamsuan na paiigtingin ng bagong talagang national director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang “laser focus” ng ahensya para pangangalagaan ang kapakanan at pag angat sa kalagayan ng mga maliliit na mangingisda.

Ayon kay Yamsuan, na siyang chairperson ng House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources, nakita niya kay bagong BFAR Director Elizer Salilig ang “passion and dedication” upang matulungan ang mahigit 2 milyong maliliit na mga mangingisda sa bansa na makaahon sa kahirapan.

Sinabi ni Yamsuan na ang pangangalaga sa interes ng mga maliliit na mangingisda ay napakahalaga sa oras na ito kung saan ang kanilang kaligtasan ay maaaring manganib sa pamamagitan ng isang desisyon ng Korte Suprema (SC) nagbibigay daan para sa mga komersyal na kumpanya ng pangingisda upang makakuha ng walang hadlang na pag access sa mga municipsl waters.

Tinutukoy ni Yamsuan ang SC First Division ruling na nagtaguyod sa 2023 decision ng Malabon Regional Trial Court (RTC) na ipawalang bisa ang ilang probisyon ng Fisheries Code na nagbibigay ng preferential access sa municipal waters ang mga small fisherfolk.

Sa ilalim ng Fisheries Code, ang mga maliliit na mangingisda ay binibigyan ng preferential acess sa 15 kilometrong municipal water zone upang maprotektahan hindi lamang ang kanilang kabuhayan kundi matiyak din ang sustainability ng marine ecosystems.

Siniguro naman ni Salilig na kanilang bigyang prayoridad ang kaso at pag-aaralan ang pag-amyenda sa Fisheries Code.

Pagtiyak naman ni Yamsuan na nakahanda ang kaniyang komite ang House aquaculture and fisheries resources committee na magsagawa ng pagdinig hinggil sa social and economic repercussions sa magiging hatol ng Korte Suprema.

Kumpiyansa si Yamsuan na sa ilalim ng liderator ni Salilig na ang BFAR ay makapag bigay ng tulong sa mga maliliit na mangingisda para mapalakas ang kanilang kita.