Iminumungkahi ni Iloilo Representative at dating health Secretary Janette Garin na pabakunahan ng Flue at Pneumonia vaccine ang mga senior citizen, mga health workforce, immunocompromised o vulnerable sector kasunod ng banta ng FLIRT variant.
Sa mensahe na ipinadala ni Rep. Garin sa mga media, kaniyang sinabi na asahan na kasi na mag mutate ang nasabing virus dahilan na tumataas ang kaso.
Sinabi ni Garin ang mahalaga ang kapabilidadn ng health workforce ng bansa na i-manage ang kaso at batid ito ng publiko.
Hinikayat ni Garin ang mga mayruong sintomas na magpa konsulta na sa doktor upang maaga itong maagap at hindi na humantong sa paglala ng kondisyon.
Mahalaga din aniya na bantayan ang ating mga boarders, gayunpaman ang vague symptoms at ang seasonal na pagbabago ng panahon ang sanhi ng pagtaas ng kaso ng Flu, pneumonia at URTIs.
Dahil dito sinabi ni Garin mahalaga ang agresibong pagbabakuna sa mga senior citizen.
Pina-alalahanan din ng mambabatas ang publiko na ugaliing maghugas ng kamay, good hygiene practices, sapat na pahnga at pagkain ng mga masustaniyang pagkain.
Naniniwala ang doctor solon na ang nutritious balanced diet ay siyang panangga ng mga Pilipino para labanan ang Flirt variant.