-- Advertisements --

Nanawagan si Deputy Minority Leader at Basilan Rep. Mujiv Hataman na magkaroon ng congressional ang nangyaring madugong sagupaan sa pagitan ng mnilitar at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa probinsiya ng Basilan.

Ayon kay Hataman sa panahon ngayon hindi na dapat nagkakaroon ng madugong encounter sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Naghain si Hataman ng House Resolution No. 2206 kung saan inaatasan ang Kamara na imbestigahan ang January 22 encounter sa Barangay Lower Cabengbeng, Sumisip, Basilan na nag resulta sa pagkamatay ni Private First Class Mark Barat at Corporal Orland James Diamel at ilan pang sundalo ang nasugatan.

Tanong ni Hataman bakit nangyayari pa ang ganitong mga insidente. 

Aniya, nagkaroon na rin ng kahalintulad na insidente nuong November 2022 sa Barangay Ulitan, Ungkaya Pukan, Basilan na nag resulta ng maraming casualties, lima sa panig ng MILF at tatlo sa militar. , 

Binigyang-diin ni Hataman na ang epekto ng mga ganitong insidente ay hindi lamang kumikitil ng buhay kundi nagkakaroon muli ng takot sa mga komunidad.

Diin ni Hataman, ang nilagdaang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), nuong 2014, ay layong maiwasan ang mga sagupaan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng malinaw na security mechanisms and coordination sa pagitan ng gobyernon at MILF. 

Dahil dito kinuwestiyon ni Hataman kung epektibo pa ba ang nasabing mekanismo.

Mariing kinondena ni Hataman ang nasabing insidente.

Nagpahayag naman ng pagkabahala si Hataman na ang ganitong mga sagupaan ay posibleng mag escalate at magiging banta sa peace stability ng Bangsamoro region.

Muling pinagtibay ni Hataman ang pangako nito na tiyakin ang kapayapaan sa probinsiya ng Basilan at sa buong BARMM region.