-- Advertisements --
Pinaiimbestigahan ni Zambales Rep.Jay Khonghun sa House Committee on Justice at sa iba pang concerned agencies ng gobyerno hinggil sa ugnayan ng China at Infinitus Marketing Solutions para matukoy kung mayroon ba itong nalabag na mga batas.
Umapela rin si Khonghun sa mga Filipino-owned company at iba pang negosyo sa bansa na i-boycott ang naturang kumpanya.
Matatandaang isiniwalat sa Senado ng National Security Council ang pagkakasangkot ng marketing firm sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon.
Naniniwala ang mambabatas na kung may pananagutan ang nasabing firm dapat lamang silang managot sa batas.