Nanawagan ang isa sa mga lider ng House Quad Comm kay dating presidential spokesperson Harry Roque na lumantad na lamang dahil mahuhulog din ito sa bisig ng batas.
Sa pagsisimula ng pagdinig ng Komite sa extrajudicial killings at iligal na operasyon ng POGO, binigyang-diin ni Abante na hindi nito lubos maunawaan kung paano mamuhay ng magarbo ang ilang mga indibidwal kapalit ng pagdurusa ng iba.
Mensahe ni Abante sa mga ito kabilang si Atty. Harry Roque na mas mabuti na magkaroon ng lakas na loob na harapin ang mga consequences sa kanilang mga aksiyon imbes na magtago sa kanilang mga maling gawain.
Nagbabala si Abante kay Roque na mahuhulog din ito sa kamay ng batas.
Si Roque ay nauugnay sa iligal na operasyon ng POGO sa Porac Pampanga.
Pinatawan ng contempt ng Quad Comm si Roque sa ikalawang pagkakataon at ipinag-utos ang kaniyang pag-aresto.
Pagsisiguro naman ni Abante na hindi titigil ang Quad Comm hanggat hindi nahuhuli, mapanagot ang mga responsable sa mga krimen.
Giit ng Kongresista na hindi na dapat maulit ang mga nasabing insidente.