Naniniwala si Representative Brian Raymund Yamsuan na panahon na para mag invest ang gobyerno para sa computerization ng mga public libraries sa bansa tungo sa isang “future-ready” education system.
Sinabi ni Yamsuan na maari itong simulan sa P500 million na initial investment hindi lamang s mga public libaries kundi maging sa mga barangay reading centers sa buong bansa.
Ang nasabing hakbang ay bahagi sa mga inisyatiba para gawing “future-ready” ang education system sa bansa.
Binigyang-diin ni Yamsuan na kaabit sa pag modernize sa mga public libraries at reading centers ay ang pagbibigay ng libre at reliable internet access sa mga gumagamit ng facilities.
Giit ng mambabatas na dapat equipped sa mga latest electronic library system ang mga reading centers at public libraries.
Dagdag pa ng Kongresista sa ilalim ng Repbulic Acr 7743 ang mga nasabing facilities ay dapat mayruong access sa e-books at online research resources.
Aniya, malaking tulong sa mga mag-aaral ang nasabing mga facilities lalo na yung hindi kaya bumili ng mga libro.
“Modernizing these facilities using the latest electronic library systems and providing them with reliable internet connectivity is a must to help make our education system future-ready,” pahayag ni Yamsuan.
Hinimok naman ni Yamsuan si Education Secretary Sonny Angara na makipag-ugnayan sa National Library of the Philippines (NLP) at Department of Information and Communications Technology (DICT) para makatulong na mapabilis ang digitalization ng mga pampublikong aklatan at reading center sa buong bansa.
Ipinunto ni Yamsuan na sana sundin ng Pilipinas ang halimbawa ng Singapore kung saan naglaan ito ng pondo para palawakin at muling pasiglahin ang public libraries ng sa gayon mahikayat ang lahat ng magbasa.
Si Yamsuan ay siyang co-authored ng House Bill (HB) 1798, na layong amyendahan ang RA 7743 kung saan inaatasan nito ang gobyerno na maglaan ng P500 million pondo para sa national library of the Philippines bawat taon para sa gagawing procurement at installation ng mga latest electronic library technologies sa lahat ng city and municipal libraries at barangay reading centers.