-- Advertisements --

Nanawagan si House Assistant Majority Leader Ernix Dionisio Jr. ng Maynila sa mga botante na huwag iboto ang mga kandidatong may kaugnayan sa ipinagbabawal na Philippine Offshore Gambling Operators (POGO) sa paparating na Mayo 12 elections.

Binigyang-diin ni Dionisio na may mga tumatakbong kandidato na mayroong nakukuhang suporta mula sa POGO na tiyak na kanilang poprotektahan kapag sila ay naluklok sa puwesto.

Naniniwala rin si Dionisio na ang desisyon ng Pangulo na ipagbawal ang POGO ay isa sa mga dahilan kung bakit natanggal ang Pilipinas sa money laundering watchlist ng Financial Action Task Force (FATF).

Samantala, binigyang-diin naman ni House Minority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur na ang imbestigasyon ng Quad Committee sa POGO at mga kriminal na aktibidad na may kaugnayan dito ay isa pa sa nakatulong sa pagtanggal ng bansa sa FATF watchlist.

Maging si Pang. Ferdinand Marcos Jr ay , muling nanawagan sa mga botante na huwag suportahan ang mga kandidatong may kaugnayan sa nakaraang administrasyon, bagama’t hindi niya binanggit ang pangalan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.