Hinimok ni Manila Representative Rolando Valeriano ang mga potensiyal na whistleblowers kaugnay sa “misuse funds” ng OVP na lumantad at ibahagi ang mga nalalamang impormasyon kaugnay sa maling paggamit ng pondo ni Vice President Sara Duterte.
Ginawa ni Valeriano ang panawagan sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability na nagsimula ngayong araw.
Ayon kay Valeriano mahalaga ang mga impormasyon, ebidensiya at testimonya ng mga whistleblowers lalo na sa umanoy OVP socioeconomic programs.
Sa kaniyang privilege speech, ibinahagi ni Valeriano na nakakabahala ang kakulangan ng transparency sa kung paano ginastos ng OVP ang bilyong piso para sa socio-economic programs.
Hinamon naman ni Valeriano ang OVP na magpakita ng pruweba hinggil sa socio-economic programs nito na naka pokus sa Metro Manila.
Binatikos din ng kongresista si VP Sara dahil sa pangtanggi nitong sumagot sa mga katanungan kaugnay sa pagdinig ng panukalang pondo ng OVP para sa fiscal year 2025.
Patuloy na naninindigan si VP Sara kaniya ng ipinauubaya kay Speaker Martin Romualdez ang pondo ng kaniyang opisina.