-- Advertisements --

Nanawagan si National Unity Party (NUP) president LRay Villafuerte sa mataas na kapulungan ng kongreso na ipasa ang nakabinbing media welfare bill .

Layon ng House bill 454 na  matiyak ang mga karapatan, karagdagang mga  benepisyo , kaligtasan at proteksyon  ng mga manggagawa sa media sa gobyerno at pribadong sektor.

Kasunod ito ng pangako ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr, na poprotektahan at  paiigtingin  ang kaligtasan  at kapakanan ng mga mamamahayag sa  kamakailang 50th anniversary celebration ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP).

Ayon kay Villafuerte, isinasaalang alang ng mga journalist  ang kanilang buhay sa labas upang malaman ng publiko ang mga impormasyong dapat nitong malaman.

Gayunman kadalasan sa mga ito ay  nababalewala ang kaparatan sa paggawa gaya ng security of tenure, hazard pay, night shift , differential at overtime pay.