Pinapa-imbestigahan ni Sta. Rosa, Laguna Representative Dan Fernandez sa Office of the Solicitor General ang kontratang pinasok ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa isang private service provider na nagkakahalaga ng P5 billion.
Ayon kay Fernandez 10 taon na ang nasabing service provider na pagmamay-ari ng isang private company na Unisys.
Sinabi ni Fernandez, nalalagay sa alanganin ang bawat profile ng mga Filipino na dumadaan sa service provider.
Dahil dito hiling ni Fernandez kay Solicitor General Menardo Guevarra na silipin ang nasabing kontrata ng PSA.
Inihayag ni Fernandez na ang Unisys Corpration batay sa ulat ng Federal Bureau of Investigation ng US ay nagkaroon ito ng kaso sa kanila.
Hindi naman idinitalye ni Fernandez kung ano ang naging kaso ng Unisys.
Ang pahayag ni Fernandez ay kasunod sa naging rebelasyon sa Quad Comm hearing na maraming mga Chinese nationals ang nakakuha ng birth certificate sa pamamagitan ng late registration policy.