-- Advertisements --

Pinuri ni House Ways and Means Chairman at Albay Represenative Joey Salceda si Health Secretary Ted Herbosa sa pag isyu ng memorandum kung saan tinatanggal ang purchase booklet requirement para sa mga senior citizen para sa discount ng kanilang bibilhing gamot.

Ayon kay Salceda “Byebye booklet.”

Sinabi ni Salceda hiniling ng Kamara sa DOH na tanggalin na ang nasabing requirement sa ginanap na joint hearings sa senior citizen, PWD at solo parents benefits.

Binigyang-diin ng Kongresista na ang 20 percent discount sa gamot ay maituturing na lifesaver sa maraming senior citizen.

Ayon sa ekonomistang mambabatas, long overdue na ang nasabing hakbang, gayunpaman lubos na nagpasalamat si Salceda kay Herbosa at maging kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Ibinida naman ni Salceda na ang mga nakaraang pagdinig nila para sa senior citizen at PWD kaugnay sa discounts ay maituturing na productive dahil aabot sa P112 billion ang benefits para sa nasabing sektor at ang pagtanggal sa booklet requirments ay isang major accomplishments.

Siniguro naman ni Salceda na ipagpapatuloy ng Kamara ang isang kolaborasyon sa executive department kung saan ang taong bayan ang makikinabang.