Pumalag si Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite sa akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga militant organizations, kabilang na ang Makabayan bloc sa Kamara, ay nakikibahagi sa conspiracy para pabagsakin ang pamahalaan.
Ihinahalintulad ni Gaite ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte bilang bagong bersyon ng “Red October” ouster plot, na pinalutang ng militar noong 2018 kung saan kanilang sinabi na ang mga oposisyon ay nagpaplano para patalsikin sa puwesto ang punong ehekutibo.
“Is this the new version of their ‘Red October’ ouster conspiracy hoax? Everytime the regime is caught in issues of its own making, they hatch this kind of chilling propaganda to legitimize red-tagging and subsequent attacks against their critics,” ani GAite.
Kagabi, sinabi ni pangulong Duterte na ilang mga grupo, tulad ng Makabayan bloc, Bayan at Gabriela ay hindi naman talaga nire-red-tagg kundi talagang tinutukoy bilang fronts ng Communist Party of the Phillipines at National Democratic Front.
“The AFP is very correct. You are being identified as the members of the communist para alam namin. ‘Yon ang totoo, hindi red-tagging,” ani Pangulong Duterte.
Inalala naman ni Gaite ang inilabas na “Oust Duterte Matrix” na inilabas ng pamahalaan noong 2018, kung saan ilang mga kilalang personalidad sa oposisyon, progresibong grupo, at maging mga media personalities ang pinangalanan.
Subalit nauwi lamang ito sa wala at ginamit lamang para bigyan dahilan ang red-tagging at harassment laban sa mga kritiko ng pamahalaan.
“This grand conspiracy exists only in the President’s head. Walang ganun, sir. But we cannot deny that there is great dissatisfaction among the people especially after their perceived sluggish efforts to assist the typhoon victims, the prolonged lockdown and continuing pandemic, the high unemployment rate and bad economy,” ani Gaite.