-- Advertisements --
House Plenary Congress
House of Representatives

hHinimok ni House Deputy Speaker Michael Romero ang Development Budget Coordination Committee (DBCC) na isumite sa Kamara ang National Expenditure Program (NEP) ng mas maaga upang hindi magmadali ang mga kongresista sa kanilang budget deliberations.

“I think I should encourage or push also that instead of the DBCC or the economic managers submitting ‘yung budget by August, they should submit it at least June or July,” saad ni Romero.

Ayon kay Romero, bilang isang ekonomista, aabot ng hanggang P500 billion ang nawalang kita sa pamahalaan matapos maantala ng hanggang kalahating taon ang approval ng 2019 General Appropriations Act.

Ang delay sa approval ng 2019 national budget ay bunsod ng deadlock sa pagitan ng Seando at Kamara dahil sa umano’y mga lump sum funds na naisingit sa budget.

Ngayong taon, ang 2020 NEP ay naisumite sa Kongreso noong Agosto 20, halos apat na buwan pagkatapos ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Para kay Romero, dapat mabigyan ng halos anim na buwan ang Kongreso para magsagawa ng deliberasyon sa budget.