-- Advertisements --

Ipinagpasalamat ni Marikina 2nd District Rep. Miro Quimbo ang pagkakapasa ng The Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Iginiit ni Quimbo na sa pagkakapasa ng RA No. 11310 ay mabibigyan ng suporta at pag-asa ang ilang milyong Pilipino sa epekto ng kahirapan.

Ayon kay Quimbo, isa sa mga pangunahing may-akda ng batas, maraming pag-aaral at impact evaluation na makakapagsabi na nakakatulong talaga ang 4Ps sa mga mahihirap.

“Through multiple studies and impact evaluations it is clear that the program has both kept children healthy and in school. This is not a mere handout, it is an investment in our future,” ani Quimbo.

Bagamat aminado ang kongresista na na-abuso ang 4Ps sa mga nakalipas na taon, hindi naman daw solusyon dito na ibasura ang naturang programa sapagkat isa ito sa mga maituturing “potent tools” sa laban kontra kahirapan.