Sinabihan ng isang mambabatas si dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya pwede maging mas mataas sa batas ng Pilipinas.
Ibig sabihin “No one is above the law” anuman ang katayuan mo sa buhay mahirap man o mayaman.
Pina-alalahahan ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales si dating Pangulong Duterte na dumalo sa pagdinig ng Quad Comm sa Huwebes na una na niyang hinamon.
Inihayag ni Khonghun, pinoprotektahan pa ni Duterte ang mga pulis na umanoy kaniyang inutusan para pumatay ng mga drug suspeks.
Sa madugong kampanya laban sa iligal na droga sa panahon ng Duterte administration maraming mga inosente ang nasawi.
Hamon ni Khonghun sa dating Pangulo na ibunyag ang lahat ng katotohanan kaugnya sa EJK dahil karapatan ng sambayanang Filipino ang malaman ang katotohanan.
Kaya dapat humarap din siya sa pagdinig ng Quad Comm.
Siniguro naman ni Khonghun na hindi titigil ang Quad Comm sa pagahhanap ng hustisya para duon sa mga biktima hanggat hindi napapanagot ang mga nasa likod ng EJK, illegal drugs at iba pang mga criminal activities.