Nanawagan si Baguio City Rep. Mark Go kay Mayor Benjamin Magalong na suportahan ang pagbibigay ng ayuda ng gobyerno sa mga residente ng kanilang siyudad.
Hinamon din ni Go si Magalong na huwag haluan ng politika ang isang magandang programa ng gobyerno.
Pinasinungalingan din ni Go ang paratang ni Magalong na ang Office of the Speaker ang pagpapalabas ng financial assistance mula sa mga programa ng gobyerno na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) gamit ang “7-7-7 Ayuda System”.
Itinanggi ni Go na mayruong 7-7-7 Ayuda System.
Ipinunto ni Go na ang mga lokal na pamahalaan ay mayroon ding kanya-kanyang programa at proyekto para sa kanilang mga nasasakupan.