Inihayag ni Bataan Representative Geraldine Roman na ang pagkaka-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC) kaninang umaga ay patunay na “No one is above the law”, patunay din na tinataguyod ng Pilipinas ang rule of law at nirerespeto ang international legal commitments.
Binigyang-diin ni Roman na walang magawa ang gobyerno kundi makipag tulungan sa International Criminal Court at Interpol kung saan ang Pilipinas ay nananatili sa international law enforcement system.
Inaresto si Duterte matapos ang pagdating nito mula sa Hong Kong kung saan dumalo siya sa isang event.
Isinilbi ng PNP CIDG at Interpol ang ICC-issued warrant of arrest sa dating Pangulo.
Naniniwala din ang mambabatas na nagpalakas sa kaso ang findings House’s Quad Committee (Quad Comm) sa drug war ni Duterte lalo na ang mga testimonya ng mga pamilya na biktima ng extrajudicial killings.
Ayon kay Roman, mismong si dating Pangulo Duterte ang umamin na kaniyang inatasan ang mga Pulis na pumatay ng mga drug suspeks.
Mensahe naman ni Roman sa mga pamilya ng mga EJK victims na unti unti ng nakakamit ang hustisya.
Nanawagan si Roman sa publiko na respetuhin ang legal process at sa justice system upang matiyak ang patas at timely resolution ng kaso.