Masyado pang premature para sabihin na ang COA findings sa confidential funds ng Office of the Vice President ay ground for impeachment.
Ito’y kasunod sa mga kumakalat na ispekulasyon na posibleng gamitin ang COA audit report para sa planong pagpapatalsik sa pwesto sa Pangalawang Pangulo.
Magugunita na pina subpoena ng House Committee on Appropriations ang COA report hinggil sa utilization ng nasabong CIF funds mula 2022 hanggang 2023.
Kung maalala nasa P125 million na CIF ang ginastos ng Office of the Vice president sa loob lamang ng 11 araw.
Subalit tinuwid ito ng pangalawang pangulo at sinabing ginastos nila ang pondo sa loob ng 19 na araw mula December 13 hanggang 31,2022.
Nagbabala naman ni deputy majority leader Rep. Janette garin na huwag kaagad husgahan dahil ang mosyon ni ACT Teachers Partylist Rep France Castro ay ituwid ang mga dapat ituwid.
Sa panig naman ni Lanao del Rep. Zia Alonto Adiong na ang COA report ay bahagi ng regular na budgeting processes.
Binigyang-diin din ni Adiong na ang impeachment process ay isang counterproductive.
Aniya kung pagtutuunan ng pansin ang impeachment issue makaka-apekto ito sa kanilang legislative na trabaho.