-- Advertisements --

Suportado ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda ang panukala ng Department of Finance (DOF) na gamitin ang excess funds ng Philhealth upang pondohan ang mg unprogrammed appropriations.

Sinabi ni Salceda na wala siyang nakikitang problema kung gamitin ang nasabing excess funds ng Philhealth.

Ayon pa sa ekonomistang mambabatas na regular kasing nakakatanggap ng subsidy ang Philhealth sa gobyerno, maliban pa ito sa mga premiums ng mga miyembro.

Dagdag pa ni Salceda kung ang inilalaang pondo na galing sa buwis ng taumbayan ay hindi naman nagagamit ng PhilHealth ay mas mainam na gamitin na lang ito pampondo ng iba pang programa ng pamahalaan kaysa mangutang.

“Philhealth regularly receives a subsidy from the National Government on top of the premiums it collects from its members. In other words, that’s taxpayer money, not contributor money. I think the reasoning of the DOF is that, if taxpayer money is sleeping in Philhealth, it’s better to use that money for other needs rather than borrow with interest. It saves the taxpayer money. It’s that simple,” pahayag ni Salceda.

Ipinunto ni Salceda na hindi maganda na magkaroon ng sobrang pondo ang mga GOCC na natutulog lamang imbes na magamit ito sa mga pamumuhunan.

Aniya batay sa General Appropriations Act (GAA) sa ilalim ng Pangulongf Ferdinand Marcos ang Philhealth ay nakakatanggap ng P162 billion taxpayer- subsidies bawat taon at kung may excess na pondo ibig sabihin mas malaki ang kanilang subsidies.

Naniniwala si Salceda na magdudulot kasi aniya ito ng mababang government spending na makaka-apekto sa pag-unlad ng bansa.

” We can’t have excess money sleeping around our GOCCs while withholding that same money from public investment. Low government spending reduces growth. Reduced growth creates poverty. Poverty creates hunger. Hunger creates disease,” dagdag pa ni Cong. Salceda.

Dagdag pa ng ekonomistang mambabatas, bibigyan naman uli ng subsidiya ang PhilHealth sa ilalim ng 2025 budget.