-- Advertisements --

Suportado ni Representative Brian Raymund Yamsuan ang plano ng Philippine National Police (PNP) sa pagbili ng mga body-worn-cameras na mayruong artificial intelligence (AI) capabilities.

Sinabi din ni Yamsuan kailangan mag invest din ang PNP sa pagsailalim sa training ng kanilang mga personnel para sa tamang handling, filing at storage ng mga video footages sa nasabing devices upang masiguro na hindi ito ma- tamper lalo at gagamitin ito bilang ebidensiya sa korte laban sa mga suspeks.

Hinimok din ni Yamsuan ang PNP na palawakin ang paggamit ng digitalized crime reporting system nito at iba pang technological innovations para hikayatin ang partisipasyon ng mamamayan sa pagsugpo at paglaban sa krimen.

Ayon kay Yamsuan, na isang dating opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG), na ang paggamit ng mga diskarte sa teknolohiya ay makatutulong na mapabuti ang performance ng PNP at bumuo ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa organisasyon ng pulisya.

Pinuri naman ni Yamsuan ang PNP sa ilalim ng pamumuno ni General Rommel Marbil sa inisyal na paglunsad nito sa Metro Manila ng Law Enforcement Reporting and Information System (LERIS), isang digitalized policing app na magbibigay-daan sa publiko na mag-ulat ng mga kahina-hinalang insidente at krimen gamit ang kanilang mga mobile phone.

Sinabi ni Yamsuan na dapat maglunsad ng information drive sa social media ng sa gayon maging pamilyar ang publiko sa paggamit ng LERIS sa pamamagitan ng eGovPH.

Nasa P1.2 billion ang inilaang pondo sa PNP para sa kanilang programang LERIS.

Umaasa si Yamsuan na dapat maging masigasig ang PNP sa nasabing kampanya ng sa gayon sa susunod na taon maipatupad na ito sa buong bansa.

Umaasa naman si Yamsuan na maipapasa na ang panukalang batas na kaniyang inakda ang House Bill (HB) 4708, na layong gumamit ng mga body-worn cameras sa panahon na magkasa ng law enforcement operations.

Co-author din si Yamsuan ng House Bill No. 8068, na layong i-require ang mga business establishments na mag-install ng mga CCTVs sa premises ng kanilang mga establishments.

“Kadalasan, kahit may nakikita na tayong kahina-hinala sa ating paligid o may nangyayari na mismong krimen ay nag-aatubili tayong pumunta sa police station o tumawag para mai-report ito. Kung maipapatupad sa buong bansa ang paggamit ng digital app ng PNP, mas mahihikayat ang publiko na mai-report ang mga suspicious activities at krimen sa kanilang komunidad gamit ang kanilang cell phone,” pahayag ni Yamsuan,na tumatakbo bilang representative ng Parañaque’s 2nd District sa 2025 midterm elections.