-- Advertisements --

Target ni Appropriations panel chair at Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co na gawing permanenteng attraction ng hot-air ballon sa Bicol region para palakasin ang lokal na turismo at magkaroon ng maraming trabaho.

Inilunsad na ang kauna-unahang Bicol Loco Hot-Air Ballon Festival na masasaksihan sa loob ng tatlong araw ang engrande, makulay at kapanapanabik at likas na ganda ng rehiyon.

Binigyang-diin ni Co na ang nasabing inisyatibo ay hindi lamang isang temporary celebration kundi isang istratehikong hakbang upang palaguin ang lokal na ekonomiya.

Nanawagan naman si Co sa lahat ng mga Bicolanos na magkaisa ng sa gaon magkaroon ng sapat na pagkain na maihanda sa hapag kanina.

Binigyang linaw din ni Rep. Co na walang pondo ng gobyerno ang ginasta sa nasabing festival dahil pumalya ang isinagawang bidding.

Sinabi ng mambabatas na sinagot nito ang lahat ng gastos sa festival upang maging matagumpay ang hot-air ballon festival.

Ipinunto ng kongresista na ito ay isang investment para sa kaligayahan ng mga Bicolano at lumago pa ang ekonomiya ng rehiyon.

Tinatayang nasa 25,000 local at foreign tourist ang inaasahan makiisa sa nasabing selebrasyon.

Inaabangan naman ang mga artista na mag perform ay sina Sarah Geronimo, Bamboo, Ely Buendia at Jericho Rosales.