-- Advertisements --

Mariing pinabulaan ni Ako Bicol Partylist Rep at House appropriations committee chairman Zaldy Co ang kumakalat sa social media na may bilyun-bilyong pisong pondo umano para sa flood control projects sa Bicol Region.

Sa isang pahayag sinabi ng mambabatas, wala umanong katotohanan at pawang ‘fake news’ ang naturang balita na napakalaki ng pondo sa flood control sa kanyang lugar.

Sinabi ni Co sa katunayan, isa aniya sa pinakamaliit ang alokasyon ng Bicol para sa national road at flood control projects.

Ayon sa Kongresista ang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon at ni House Speaker Martin Romualdez ay ang pagsasama o convergence ng flood control sa water management ng National Irrigation Administration para palakasin ang food security.

Dagdag pa ni Co ang bawat proyekto para sa pagbaha ay konektado sa irrigation facilities ng NIA para matugunan ang pangangailangan sa patubig ng mga sakahan.