Itinanggi ng ilang mga mambabatas na “zero” ang magiging budget ng Office of the Vice President (OVP).
Ito’y kasunod ng palutang ng kampo ni VP Sara na bibigyan ng zero budget ang OVP.
Ayon kay Tingog Partylist Representative JUde Acidre na kaniyang nirerespeto ang Vice president office kaya nararapat lamang na bigyan ng pondo ng sa gayon maipagpatuloy nito ang kaniyang constitutional mandate.
Sang-ayon din si Rep. Paolo Ortega kay Rep. Acidre na kailangan may maiiwan na budget sa OVP para makapag responde ito sa kanilang mandato.
Sinabi ni Ortega kung babawasan man ang pondo ng OVP ay kaniyang irekumenda na tanggalin ang pondo sa social services dahil redundant na ito sa trabaho ng ibang mga concerned agencies.
Ayon naman kay Rep. Zia Alonto Adiong pabor siya na ibigay ang pondo sa mga ahensiya na nangangailangan talaga.
Si Adiong ang sponsor sa budget ng OVP.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan na ang opisina ni Adiong sa OVP para sa kaukulang dokumento dahil sasalang na sa plenaryo ang budget ng OVP.