-- Advertisements --

Maraming mga kongresista ang hindi kuntento sa nilalaman ng 2020 proposed P4.1-trillion national budget.

Ayon ito kay House Deputy Speaker for Finance Lray Villafuerte matapos niyang ipag-utos noong nakaraang linggo ang pagbawi sa inihaing General Appropriations Bill ni Appropriations Committee chairman Isidro Ungab.

Sinabi ni Villafuerte na may mga reklamo siyang natatanggap hinggil sa nilalaman ng National Expenditure Program (NEP) na isinumite sa Kamara, na siyang basehan naman ng inihaing GAB ni Ungab.

May mga proyekto aniya na para sa kanila ay hindi prayorudad kaya gustong ipakiusap na palitan.

Gayunman, sa ngayon hindi pa raw masasabi ni Villafuerte kung ilang kongresista ang may reklamo sa nilalaman ng NEP.

“Give us more time, we’ll try to compile it this week. But wala pa namang exact figures. Nagpapahiwatig lang kung pwedeng mapag-usapan with the necessary agency and of course, we want the agencies to talk to them para ma-thresh out, para ang budget process ay on time,” ani Villafuerte.