Ipinaliwanag ng dalawang House Quad Comm leaders ang naging “private meeting” sa dating chief of police ng Mandaluyong na si PCol. Hector Grijaldo.
Humarap sa media ngayong araw sina Manila Rep. Bienvenido Abante at Santa Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez na siyang tinukoy sa pahayag ni Col. Grijaldo na pumilit sa kaniya na kumpirmahin na mayruong reward system na ipinatutupad sa war on drugs ng dating administrasyon.
Kapwa itinanggi ng dalawang mambabatas ang naging pahayag ni Grijaldo.
Sinabi nina Fernandez at Abante na pinaki-usapan sila ni Royina Garma na kausapin si Grijaldo dahil kaibigan niya ito at classmate din sa PNPA.
Sinabi ni Abante na may nagsabi sa kanila na hindi tama ang pagtawag nila kay Grijaldo, pero giit ni Abante tama ito dahil isa karapatang pantao dahil binibigyan nila ng karapatan ang tao na ihayag ang katotohanan.
Sa naging pag-uusap umano nila kay Grijaldo, sinabi ni Fernandez na inihayag ng opisyal na wala siyang alam sa sinasabi ni Garma.
Kwento pa ng mambabatas ng marinig niya ito tinigil na nila ang vetting at lumabas na siya at sumunod si Rep. Abante.
Umaasa naman si Fernandez na lumiwanag ang kaisipan ng opisyal , lalo at ang isyu sa kaniya ay duon lamang sa pagpatay kay General Barayuga.
Hindi rin maintindihan ng opisyal kung bakit nakikisawsaw sa isyu si Grijaldo.
Kinukwestiyon lang si Grijalde dahil nuong napatay si General Barayuga si Grijaldo ang chief of police at walang police report ukol sa insidente.
Sinabi ni Fernandez nakatakdang dumalo sa susunod na pagdinig si Grijaldo at maraming mga katanungan ang dapat sagutin ng opisyal.
Muling uungkatin ng Quad Comm ang isyu kay General Barayuga lalo at kung may mga mambabatas ang magtatanong.