-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng  mga mambabatas ang alegasyon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tumatanggap ang mga miyembro ng Kamara de Representantes ng milyong halaga ng social amelioration funds sa kanilang pagdalo sa mga out-of-town engagement ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Kinontra rin ni Libanan ang sinabi ni Magalong na ginagamit ang 2025 national budget bilang “election fund,” at iginiit na ang pamimigay ng ayuda sa ilalim ng mga programang AKAP, AICS at TUPAD, ay hindi kontrolado ng mga politiko.

Kung mayroon umanong nangyaring iregularidad, pinayuhan ni Libanan ang mga nakasaksi nito na pumunta sa angkop na otoridad at maghain ng reklamo.

Itinanggi rin ni 1Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang naturang alegasyon.

Iginiit ni Gutierrez na ang lahat ng pondo sa mga kinukuwestyong programa ay nasa kontrol ng mga ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Libanan na walang miyembro ng opposition bloc sa Kamara ang nag-ulat sa kanya na nakatanggap ng pondo para sa ayuda.

Nang tanungin kaugnay ng sinabi ni Magalong na nakatanggap siya ng pagbabanta mula ng isiwalat ang alegasyon ng pagbibigay ng ayuda sa mga kongresista na sumasama sa mga biyahe ni Romualdez, sinabi ni Libanan na nangyayari talaga ito sa mga public servant.

Iginiit naman nito na dapat iulat ni Magalong ang insidente sa otoridad.