-- Advertisements --
Robredo
VP Leni Robredo

Nanawagan ang mga kongresistang kaalyado ni Vice President Leni Robredo na bigyan ito ng sapat na suporta matapos na tanggapin ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Co-Chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni House Minority Leader Bienvenido Abante Jr. na umaasa silang sa pagtanggao ni Robredo sa posisyon ay maisasantabi na ang politika at mas mabibigyan ng tuon ang kapakanan ng publiko.

Sinabi naman ni Marikina Rep. Stella Quimbo na natutuwa siya sa naging desisyon ni Robredo at umaasang mabigyan ito ng sapat na resources at kapangyarihan para magampanan ng husto ang bagong trabaho nito.

Maging si Caloocan City Rep. Edgar Erice ay umaasang magtutulungan na sa ngayon ang oposisyon at administrasyon sa paglaban sa problema sa iligal na droga.

Hanga aniya siya sa pagtanggap ni Robredo sa posisyon sa ICAD lalo pa at hindi pa malinawag ang papel nito sa ngayon sa naturang ahensya.