Hindi dumalo sa pagdinig ng House Quad Comm ngayong araw si dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil extensibo na nitong tinalakay ang kaniyang nalalaman sa isyu ng extra judicial killings ng dumalo ito sa pagdinig ng Senado.
Ayon kina House Majority Leader Manuel Dalipe, Houser Assistant Majority Leaders, Zambales Rep. Jay Khonghun at La Union Rep. Paolo Ortega na tila naduwag ang dating Pangulo harapin ang katanungan ng mga miyembro ng Kamara at pamilya ng mga biktima ng EJKs na humingi ng katarungan.
Inihayag naman ni Rep. Khonghun kung nais talaga ng dating Pangulo na bigyan ng karampatang impormasyon publiko kaugnay sa madugong war on drugs ng Duterteb administration dapat humarap siya sa Quad Comm.
Dapat linawin ng dating Pangulo ang kaniyang sinabi na hinikayat nito ang mga pulis na “manlaban” para i-justify ang pagpatay sa mga suspeks.
Binigyang-diin ni Khonghun na dapat imbestigahan ng malaliman ang ginawang pag-amin ni dating Pangulong Duterte na responsable siya sa mga patayan at ang mga claim na may rewar system sa mga kapulisan.
Nagpadala kasi ng sulat ang kampo ni Duterte sa pamamagitan ng abogado nito na si Atty. Martin Delgra III na hindi makakadalo ang dating Pangulo.
Umalma naman si Rep. Ortega sa sulat ni Delgra at sinabing umiiwas lamang ang dating Pangulo sa mga tanong ng mambabatas.