Nanawagan ang mga lider ng Kamara de Representantes na itigil na ang pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay ng nagong desisyon ng Senado at Kamara de Representantes na alisin ang subsidy ng gobyerno sa PhilHealth para sa 2025.
Ayon kay Acidre hindi totoo na walang magagamit na pondo ang PhilHealth sa susunod na taon upang maipagpatuloy ang benepisyong ibinibigay nito sa mga miyembro.
Sinabi ni Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V na baka ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon ay hindi man lang miyembro ng PhilHealth.
Iginiit ng dalawang lider ng Kamara na mayroong sapat na pondo ang PhilHealth para matulungan sa pagpapagamot ang mga miyembro nito.
Sinabi pa nito na madaragdagan ang mga benepisyong ibinibigay ng PhilHealth sa susunod na taon.
Iginiit naman ni Ortega na maraming pondo ang PhilHealth para maipagpatuloy ang mga programa nito.
Ayon kay Ortega bukod sa PhilHealth ay maaari ring humingi ng tulong ang mga mahihirap na pasyente sa Department of Health (DOH).
Sinabi ni Acidre na naiintindihan ang pangamba ng mga miyembro ng PhilHealth na inaakala na wala na silang nakukuhang benepisyo dahil sa maling impormasyong ipinapakalat sa social media.
Ayon kay Acidre dapat ding silipin ng Kamara kung saan inilalagay ng PhilHealth ang reserve funds nito na nsa P607 bilyon ang halaga.