-- Advertisements --
NGCP

Pinaplantsa na ng Department of Energy (DOE) ang mga solusyon para matugunan ang aberyang dulot ng magkakasunod na insidente ng pagnipis sa supply ng kuryente sa Luzon.

Ayon sa DOE, sinimulan na ng kanilang mga kawani ang pag-iikot sa mga planta ng kuryente, lalo na yung nakaranas ng pwersahang outage kahapon para maibalik ang kanilang operasyon sa power grid ng rehiyon.

Nakipag-usap na rin daw ang kagawaran sa mga energy players gaya ng Meralco hinggil sa posibilidad na buksan ang kanilang generators para makatulong sa pagabot ng required capacity at voltage ng kuryente.

“The DOE met with the power plants that are on forced outage earlier today to coordinate the immediate actions to be made for them to be synchronized back into the grid.”

“The DOE will meet with Sual plant managers tomorrow, because they were not able to attend the meeting earlier today. The DOE also met with MERALCO, as well as TMO and MEI to facilitate the requirements for tapping these generators to supply the required capacity and voltage regulation requirements within the MERALCO franchise area.”

Bukod dito, inatasan ng Energy department ang National Grid Corporation of the Philippines at energy players na tutukan ang pagsasaayos ng kanilang mga power lines.

“DOE is also coordinating the efforts of MERALCO and NGCP in improving the power lines that will improve efficiency of the delivery of power to the customers.”

Nitong umaga nang muling isailalim ng NGCP sa yellow at red alert ang buong Luzon Grid.

Una ng naranasan ang yellow alert kaninang alas-8:00 hanggang alas-10:00 ng umaga; at babalik mamayang alas-4:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi.

Habang kasalukuyan na nararanasan ang red alert na nagsimula kaninang alas-10:00 at magtatapos mamayang alas-4:00 ng hapon.

Mamayang ala-1:00 naman sasalang sa isang press con ang mga opisyal ng DOE para sa karagdagang pagpapaliwanag tungkol sa red alert.

Nauna ng nag-abiso ang Meralco hinggil sa banta ng rotational brownout sa ikalawang sunod na araw sa ilang bahagi ng Luzon.