-- Advertisements --
Naaresto na ng mga kapulisan ang tinaguriang “Solvent Queen ng Binondo”.
Kinilala ang suspek na si Anabelle Torres, 44, dati ng nakulong dahil sa pagbebenta ng solvent.
Sinabi ni Police Lt. Col. Noel Aliño, commander ng Manila Police District (MPD) Station 11, na ilang araw nilang binantayan ang galaw ng suspek bago isinagawa ang pag-aresto nitong gabi ng Huwebes.
Kasamang naaresto ang kaniyang kasabwat na 66-anyos at mga parokyano na nasa edad mula 19 hanggang 24.
Nakuha sa suspek ang 45 litro ng solvent at ibinebenta nito ng patingi-tingi sa halagang P5.00.