Nanguna sa listahan ang usapin hinggil sa sahod ng mga manggagawa, presyo ng mga pangunahing bilihin, at trabaho, sa mga nais ng publiko na talakayin ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) nito sa Lunes, Hulyo 22.
Batay sa survey ng Pulse Asia simula noong Hunyo 24 hanggang 30, natukoy na 17.1 percent ng 1,200 respondents ang nais na matalakay ng Pangulo ang mga isyu patungkol sa sahod ng mga manggagawa at karagdagang 17.1 percent din ang nagsabing talakayin ang pagpapababa sa presyo ng mga bilihin.
Samantala, 15.2 percent ng mga respondents ang nais marinig kay Pangulong Duterte ang mga naging accomplishments at plano nito sa pagbuo ng mas marami pang trabaho o kabuhayan.
Para naman sa 9.2 percent ng mga respondents, ang mga usapin hinggil sa relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China ang nais nilang talakayin ng Pangulo sa SONA nito sa Lunes.
Nasa 6.1 percent naman ang nagbigay ng opinyon na dapat igiit ng Pangulo ang soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, habang 3.1 percent ng nagsabi na dapat ipaliwanag ang polisiya ng bansa sa pakikitungo sa China.
Sa kabilang dako, tanging 7.8 percent lamang ng mga respondents ang nagsabi na mahalagang paksa sa SONA ni Duterte.