-- Advertisements --

Inaasahan umanong magiging “positive mode” ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes, Hulyo 22.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Communications Sec. Martin Andanar, iuulat ni Pangulong Duterte ang kanyang accomplishments sa nakalipas na tatlong at mga gagawin pa sa natitirang tatlong taon sa panunungkulan.

Ayon kay Sec. Andanar, partikular na mapapakinggan ang kanyang gagawin pa para labanan ang kahirapan, iangat sa upper-middle class ang ekonomiya ng bansa at ang “Build, Build, Build” program.

Inihayag ni Sec. Andanar na ilalahad ni Pangulong Duterte ang umano’y Duterte Legacy na magiging bagong batayan at titingalain ng mga susunod na presidente sa usapin ng public service at performance sa pamamahala.