Binubuo na umano ng MalacaƱang ang draft o balangkas ng magiging State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na July 22.
Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles, nagsusumite na sila ng kani-kanilang inputs sa Office of the President (OP) na gagawing basehan para hindi na maulit ni Pangulong Duterte sa kanyang pang-apat na SONA ang mga tinatalakay sa mga pre-SONA briefings.
Ayon kay Sec. Nograles, inaasahang tututok ang talumpati ni Pangulong Duterte sa mga polisiya ng pamahalaan at mga programang kailangang ipagpatuloy ng administrasyon sa nalalabing tatlong taon nito sa panunungkulan.
Kabilang aniya rito ay ang “Build, Build, Build,” poverty alleviation initiatives at mas pinalakas na kampanya laban sa kriminalidad, korupsyon at iligal na droga.
Samantala, pagkatapos ng SONA ni Pangulong Duterte, magsasagawa rin umano sila ng post-SONA activity para maidetalye ang mga bagay na nakapaloob sa mensahe ng 74-year-old chief executive.