Pinababawi ng Gabriela Women’s Party sa Philippine National Police (PNP) ang utos na magsagawa ng random inspections at mag-deploy ng intelligence agents na naka-sibilyan na damit sa mga kilos protesta na idaraos sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 22.
Tinawag na “absurd, irrational and inimical” ni Gabriela party-list Rep. Arelene Brosas ang deployment ng mga intelligence assets sa SONA ng Pangulo, bukod pa sa 15,000 libong uniformed personnel.
Paglabag lamang aniya ito sa karapatan ng mga raliyista na magsagawa ng maayos na kilos protesta.
Iginiit ni Brosas na ang tunay na banta ay hindi sa lansangan na pupuntahan at pagdarausan ng mga kilos protesta, kundi sa West Philippine Sea.
Maituturing aniyang “overkill” ang paghahanda sa seguridad na ito na tila pretext na rin sa intimidation, harassment at warrantless arrest sa mga aktibista at iba pang kritikal sa pamahalaan.
“(It) is a desperate act by the Duterte regime to profile and harass its critics as it is increasingly becoming isolated for its crimes against the Filipino people,” dagdag pa ni Brosas.