-- Advertisements --
Napili ang soprano singer na si Lara Maigue na kumanta ng national anthem sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kinumpirma ito ni House Secretary-General Reginald Velasco ang pagkanta ni Maigue.
Si Maigue ay isang classically-trained soprano at songwriter na nagtapos mula ng College of Music mula sa University of the Philippines na may major in Voice.
Noong nakaraang taon ay nagtanghal si Maigue sa “To Broadway with Love” concert sa Esplanade concert hall sa Singapore kasama ang Singapore Symphony Orchestra na ang naging conductor ay si Gerard Salonga.
Magugunitang noong unang SONA ni Marcos ay napiling kumanta ng “Lupang Hinirang” ang Ilocano choir na Samiweng Singers.