CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isang ice cream vendor sa pamamaril sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang biktima na si Herman Espe Diaz, 52 anyos,may asawa at residente ng Purok Silang Barangay Katiko President Quirino Sultan Kudarat.
Ayon sa ulat ng President Quirino PNP na habang naglalako ng kanyang panindang ice cream at sakay ng topdown motorcycle ang biktima sa Purok Pagasa sa bayan ng President Quirino ay bigla itong pinagbabaril ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.
Agad namang tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Tacurong City.
Patay on the spot ang biktima na tinamaan ng bala sa kanyang ulo at likod.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng President Quirino PNP sa pamamaril patay sa biktima.