-- Advertisements --

Pumanaw nasi Sorsogon Bishop Emeritus Arturo Bastes sa edad na 80.

Ayon sa Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP), na nitong araw ng Linggo ng umaga ng pumanaw si Bastes.

Taong 2002 ng maging nominado bilang coadjutor bishop ng Romblon ni Pope John Paul II.

Mula 2003 hanggang 2019 ay naging prelate ito ng Sorsogon.

Nakilala ang obispo bilang kritiko ni dating Pangulong Rodrigo Duterte lalo na noong plano niyang buwagin ang Commission on Human Rights.

Nanguna rin ang obispo sa pagkontra sa mga nagsusulong ng divorce at SOGIE bill.